Napa-sanaol ang maraming netizens matapos muling makasalamuha up-close ng international Filipino fashion blogger na si Bryan Boy o “Ninang” kung tawagin ng kaniyang followers, si South Korean oppa, actor-idol na si Cha Eun Woo.

“Nagkita kits kami ng Korean friend ko ulit here in Egypt! The last time we saw each other was back in September,” anang Pinoy fashion scribe sa isang Facebook post, Linggo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Parehong nasa bansang Egypt ang South Korean star at Pinoy fashion socialite para sa ilang serye ng fashion gala.

Agad na umani ng sari-saring reaksyon sa netizens ang online flex ni “Ninang.”

“Wow naman!!! Hahahahaha Cha Eun Woo in the house!!!Bryanboyisa kang pinagpalang nilalang!🥰🥰🥰” komento ng isang follower.

“Isa kang alamat Ninang!!”

“Ang lucky ni Ninang!”

“Grabeee din si Madam parang walang kaeffort effort mameet ang mga sikat🥰 Sanaol tlga😊

Basahin: Bryan Boy, walang awang tumalak sa netizen na nanghihingi ng panggatas, pang-diaper ng anak – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ninanggg huhu. Please say hi for us😭

“Naku ninang. Sunday ngayon, inggit pikit muna mga matatabil na dilang patola ngayon😂❤

“OMG! ninanggg mabenta talaga beauty mo sa mga gwapo😭🤍

“Inggit na inggit kame ninang!”

“Mapapasana all na lng tlga kami.😍🥰❤️

Hindi kataka-taka ang malawak na popularidad ni Cha Eun Woo, na isa sa pinakamagandang mukha sa Korean hallyu culture, sa Pilipinas.

Bumida na kasi sa mga patok na Korean drama series ang aktor kabilang na sa My ID Is Gangnam Beauty noong 2018, Rookie Historian Goo Hae Ryung noong 2019, True Beauty noong 2021, bukod sa iba pa.

Maliban pa sa kaniyang matagumpay na acting career, si Eun Woo ay una ring nakilala bilang miyembro ng sikat na South Korean group Astro.

Samantala, umabot agad sa mahigit 1,700 reactions ang naturang post ni “Ninang” mahigit 27 minuto lang matapos isapubliko.