Matapos mabutas ang sinasakyang bangkang de-motor at walong oras na nagpalutang-lutang sa laot sa gitna ng masamang panahon, nailigtas din ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na mangingisda sa Zamboanga del Norte nitong Disyembre 2.

Sa ulat ng PCG, kabilang sa nailigtas sinaHenry Burong, 35, taga-Barangay Manicahan, Zamboanga City;DeigoBurong, 35, taga-Brgy. Arena Blanco, Zamboanga City;Surafi Anapi, 43, taga-Brgy. Tigtabon, Zamboanga City;Benjar Luntian, 42;Isa Musa, 42;Aldamer Alih, 30;Boy Saguile, 27;Bader Barahim, 43; atMagno Dalawis, 52; pawang taga-Zamboanga City.

Papunta sana ang siyam na mangingisda sa Dipolog City galing ng Hasiman Tanjung sa Jolo, Sulu nang salubungin sila ng malalakas na hampas ng alon.

Nabutas ang unang bahagi ng bangka nang aksidente nilang mabangga ang isang matigas na bagay kaya pinasok sila ng tubig dakong 3:00 ng madaling araw.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagpalutang-lutang ang mga ito habang sakay pa rin ng bangka kahit lubog na sa tubig ang kalahati nito sa bisinidad ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Dakong 3:40 ng madaling araw nang makahingi sila ng saklolo as PCG na kaagad namang nagpatulong sa MV Empress Amy upang magsagawa ng search and rescue operation.

Dakong 11:40 umaga nang mailigtas ang siyam na mangingisda.

Hinila na rin ng MV Empress Amy ang bangka ng mga ito patungong dalampasigan.