Todo-emote pa habang peg ang fashion socialite na si Heart Evangelista ang YouTube star na si Mimiyuuuh sa kamakailang paglalamyerda sa Japan.

Ito ang kuwelang interaksyon ng online personality at international fashion darling sa Instagram kamakailan.

Suot ang high-fashion tourist attire, classy ang peg ni Mimiyuuuh sa land of the rising sun.

Ito ay obvious na inspired sa maya’t mayang sosyalang fashion reels ni Heart sa parehong IG.

R' Bonney Gabriel, nagbalandra ng tahong sa NYFW

Ang plot twist, kakaibang level ng pag-eemote ang hatid ni Mimiyuuuh na ang background music pa sa kaniyang reel ay “Sana” ng Zargon.

“HEART EVANGELISTA JEJEMON VARIANT! AAAAAYYYYEEEEEE! Proud po kayo sakin Ms. @iamhearte HAHAHAHAHAHAHHAHS!” mababasa sa caption ng online personality habang special mention si Heart, Nob. 28.

Pag-react naman ng global fashion star, "Hahahaha love you," kalakip ang limang heart emojis.

“Labyu poo,” pagtugon muli ni Mimiyuuuh.

Kuwelang hatid online ang viral nang IG reel ni Mimiyuuuh na good vibes ang instant offering sa libu-libong netizens.

Hindi naman kataka-takang game na game ang fashion star sa kulitan nila Mimiyuuuh dahil minsan na rin nag-collab ang dalawa sa YouTube noong 2019.

Umabot na sa mahigit 86,000 ang naturang reel sa pag-uulat.

&t=16s