Kahit parehong nasa pangangalaga ng Kapuso Network, kumpirmado na umanong muling magtatambal ang iconic love team sa isa na namang pelikula sa ilalim ng Star Cinema ng ABS-CBN.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes at ayon na mismo kay Kapuso actress Bea Alonzo, ang box office director na si Cathy Garcia-Molina at parehong production team na bumuo sa 2007-hit film na “One More Chance” ang magsasama-sama para sa inaabangang comeback ng duo sa big screen.

Tila hindi na nga ramdam ang network barriers dahil sa sunod-sunod na collaboration ng dambuhalang TV networks, ngayon muli sa larangan ng pelikula.

Basahin: Bigatin! Mga pelikula ng Star Cinema, mapapanuod na sa free channels ng GMA – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Matatandaang noong Abril, nagulantang ang marami nang ianunsyo ng GMA at ABS-CBN sa kanilang partnership.

Simula noon, ilang blockbuster movies ng Star Cinema ang natunghayan ng Kapuso audience.

Samantala, excited na ngayon pa lang ang si Bea na bibigyang buhay muli ang isang kuwento ni Carmi Raymundo, kilalang mastermind sa mga patok na pelikulang "Hello, Love, Goodbye" noong 2019, "Starting Over Again" at "She's Dating the Gangster" noong 2014.

Si Raymundo rin ang nagsulat sa blockbuster film na "One More Chance" noong 2007.

Huling natunghayan sa big screen sina John Lloyd at Bea sa pelikulang “A Second Chance” sa direksyon pa rin ni Molina noong 2015.