Sa edad na 36-anyos, litaw na litaw pa rin ang alindog ni Kapuso star Carla Abellana, isa sa tinaguriang pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz.

Ito ang pinatunayan muli ni Carla sa serye ng mga larawan sa kaniyang Instagram, Sabado.

Daring, sexy at glowing ang tila mas bold nang aktres pagdating sa kaniyang imahe.

“The world breaks everyone and afterward many are strong at the broken places,” mababasa sa caption ng Kapuso actress na hango sa linya ng American writer na si Ernest Hemingway.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dahil sa pasabog na mga larawan, positibong ikinagulat ng followers ni Carla ang mga ito.

Basahin: ‘Blooming’ Kapuso actress Carla Abellana, napansin ng netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Maging ilang kaibigan sa showbiz ay napa-wow na lang sa Kapuso actress.

“Napakaganda😍” komento ng singer na si Jona.

“OMG😍😍😍” saad na lang si Kyline Alcantara.

“ATE CARLA 🔥” sey ni Cassy Legaspi.

“Woaaaah!!! 🔥🔥🔥” komento ni Valeen Montenegro.

“WOW!!!” sey ni Maricris Garcia.

“Love these so much ♥️” segunda ni Max Collins.

Agad na tumabo sa mahigit 23,000 likes ang naturang IG post isang oras lang matapos ibahagi sa publiko.

Basahin: Carla Abellana, naniniwala pa rin sa pag-ibig sa kabila ng dinanas ng puso – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kamakailang panayam, sa kabila ng dinanas na proseso sa hiwalayan nila ng dating asawang si Tom Rodriguez, positibo pa ring naniniwala ang Kapuso actress sa pag-ibig.

Tila ito nga ang nakarehistro sa blooming na imahe ng aktres -- ang masayang estado ng kaniyang puso.

Basahin: Carla Abellana sa naranasang low point: May mga bagay at taong ‘di natin kayang baguhin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid