Ito ang proud na pagmamalaki ng celebrity mom matapos mapiling “Best Actress” sa El Grito International Fantastic Film Festival sa Venezuela kamakailan.

Pagkilala ito sa kaniyang natatanging pagganap sa kaniyang big screen comeback sa pelikulang “Kaluskos” na kabubukas lang din sa mga sinehan sa bansa kamakailan.

“Thank you so much to the jury for selecting me. I am so honored! 🤍Thank you so much to the jury for selecting me. I am so honored! 🤍” mababasa sa caption ni Coleen, Sabado.

Pinasalamatan din ng aktres ang kaniyang direktor na si Roman Perez at ang kaniyang Viva Films family.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Thank you, Lord, for carrying me through all of it. 🙏🏻🤍 I learned a lot from this project, and working on it really reminded me why I love what I do!” pagtatapos ni Coleen.

Bumuhos ang pagbati para kay Coleen mula sa kapwa mga aktor sa parehong IG post. Kabilang sa mga bumati sa aktres sina Carla Abellana, Dominic Roque, Iza Calzado, Max Collins, Karen Davila, bukod sa iba pa.

Samantala, showing pa rin ang “Kaluskos” sa ilang sinehan sa buong bansa, sa pag-uulat.