Naging instant milyonaryo ang isangmananaya na taga-Zamboanga del Sur matapos mapanalunanang₱39.2 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 24-03-18-20-28-04 na may nakalaang jackpot na₱39,292,522.80.

Nabili ang ticket sa Pagadian, Zamboanga Del Sur.

Upang makubra ang premyo, pinayuhan ng PCSO ang lucky bettor na magtungo sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at iprisinta ang winning ticket at dalawang balidong identification cards.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang Lotto 6/42aybinobolatuwing Martes, Huwebes at Sabado.