Hindi nakaligtas sa masasamang elemento ang mga aktor at magkasintahang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa isang kilalang modus kamakailan.

Sa ulat ng ABS-CBN nitong Huwebes, nabiktima ang onscreen loveteam sa bantog na “Basag-Kotse Gang” noong Miyerkules, Nob. 30 sa kahabaan ng Molino sa Brgy. Molino 3 sa Bacoor, Cavite.

Basahin: LoiNie, layag na layag sa kanilang ikaanim na anibersaryo; Maris Racal, napa-react! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa mga larawang ibinahagi ng awtoridad, makikitang basag na ang bintana ng Jeep Wrangler Wagon nang madatnan ito ng Kapamilya couple.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Larawan mula  Bacoor City Police

Larawan mula  Bacoor City Police

Tatlong mamahaling mobile phones naman ang natangay sa mga aktor kabilang ang isang iPhone 13 at dalawang iPhone 11.

Nananatili namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek.

Samantala, kasunod ng insidente, walong tips ang ibinahagi ng Bacoor PNP sa kanilang Facebook page, Huwebes.

Narito anila ang mga paraan para maiwasang mabiktima ng parehong modus:

Larawan mula Bacoor PNP Pcr/Facebook