Kasunod lang ng kamakailang ika-24 kaarawan ni “Darna” star Jane de Leon, isang malungkot na balita ang hatid ng Kapamilya aktres sa fans.

Dinapuan kasi ng viral disease na dengue si Jane at sinabayan pa ito ng urinary tract infection o UTI.

Patuloy na nagpapagaling ang aktres sa pag-uulat.

Humingi naman ng pag-unawa mula sa fans ang Kapamilya star sa kaniya munang pamamahinga rin sa social media habang nagpapagaling.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Jane de Leon/IG

“I won’t be able to reply but I promise to see you guys soon,” ani Jane habang pinasalamatan niya rin ang patuloy na nagdarasal para sa kaniyang paggaling.

Kamakailan lang, isang star-studded na birthday celebration para sa aktres ang naganap sa Okada, Manila.

Pagbibiro pa ng isang netizen, tila hindi umano tumalab ang bato sa powers ng dalawang magkasabay na sakit agad ng aktres.

Gayunpaman, hiling ngayon ng fans ang agarang paggaling ni Jane.

“Get well soon, Jane, mahal ko :(( sobrang hardworking mo nagka sakit kana,” komento ng isang fan.

“Get well soon miss Jane🙏❤️”

“Pagaling ka Janeyy 🥺praying for your fast recovery 🙏♥️”

“Get well soon, our Narda/Darna.❤