Umakyat na sa kabuuang 140 bangkay ng persons deprived of liberty (PDLs) ang naihatid na sa huling hantungan, ayon sa pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Disyembre 2.
Nailibing na nitong Biyernes sa NBP cemetery ang 70 karagdagang bangkay ng mga preso.
Ang bilang ng mga bangkay ay mula sa 176 na mga labi na natengga sa Eastern Funeral Homes, dahil sa kawalan ng umutubos na pamilya.