Nanguna ang OPM singer-songwriter na si Zack Tabudlo sa “Top Artists” list ng taunang “Spotify Wrapped” na pakulo ng audio streaming application na Spotify na inilabas Miyerkules ng gabi, Nobyembre 30, 2022.

Mula sa pinagsama-samang streams ng mga Filipino users sa nasabing app, narito ang Top 10 most streamed OPM artists ng bansa ngayong taon:

  1. Zack Tabudlo
  2. Ben&Ben
  3. Arthur Nery
  4. Moira dela Torre
  5. Adie
  6. December Avenue
  7. Nobita
  8. Al James
  9. Parokya ni Edgar
  10. Eraserheads

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Samantala, ang awiting “Ikaw Lang” ng bandang Nobita ang pinaka-pinakinggan ng mga Pinoy ngayong taon at nanguna sa “Top Tracks” list ng Spotify. Pasok naman sa top 10 ang “Pano” at “Habang Buhay” ni Zack Tabudlo.

Matatandaang noong nakaraang taon, “Binibini” ang most streamed song sa bansa habang “Nangagamba” naman ang 2nd most streamed OPM, na parehas pinasikat ng bente anyos na mang-aawit.