Sinimulan nang ipatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwan na closed fishing season sa karagatan ng Mindanao.
Sa abiso ng BFAR, simula Disyembre 1, 2022 hanggang Marso 1 sa susunod na taon ay bawal munang humuli ng tamban, alumahan at iba pang kauri nito sa Sibuguey Bay malapit sa Zamboanga Peninsula,Basilan Strait, at sa East Sulu Sea.
Idinahilan ni BFAR-Region 9 acting director Al-Zath Kunting, isa lang ito sa kanilang hakbang upang mapangalagaan ang maliliit na isda hanggang sa lumaki at dumami.
“Data shows that the closed fishing season has been effective not only in conserving sardines but also in enriching the waters of Zamboanga Peninsula, Basilan Strait, and East of Sulu Sea,” ani Kunting.
Aniya, nagpadala na sila ng dalawang barko ng ahensya upang magbantay sa mga nasabing lugar.
Philippine News Agency