Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 11 na mangingisda matapos tumaob ang sinasakyang commercial fishing boat sa karagatang sakop ng Barangay Mampang, Zamboanga City nitong Miyerkules ng gabi.

Sa report ngy PCG, dakong 10:15 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang PCG mula sa ilang residente hinggil sa tumaob na SB Jaya sakay ang mga mangingisda.kabilang ang piloto.

Unang nasagip ng Maritime Group ng pulisya ang dalawang mangingisda habang nailigtas ng PCG Zamboanga station ang apat na mangingisda.

Makalipas ang isang oras ay nasagip din ng mga tauhan ng coast guard ang limang nalalabing mangingisda na nasa ibabaw ng bangka.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nahatak na rin ng Philippine Navy Floating asset ang tumaob na bangka malapit sa dalampasigan.

Inaalam na ng PCG kung ang malakas na alon ang dahilan ng pagtaob ng bangka.