Lalarga na sa Disyembre 12 ang voter registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ayon sa Comelec, magtatagal ang voter registration hanggang sa Enero 31, 2023 lamang.

Upang makapagpatala, kailangan lamang ng mga registrants na magtungo sa tanggapan ng election officer o sa satellite registration sites sa kanilang lugar.

Bukas ang rehistruhan mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays, mula 8:00AM hanggang 5:00 PM.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kabilang sa mga maaaring magparehistro ay ang mga first-time SK election voters at regular voters; transfer of voter registration record; reactivation ng voting status; at correction/change of entries sa voter registration record.

Samantala, tuloy rin umano ang pilot testing activity ng Register Anywhere Project (RAP) sa susunod na buwan.