Hindi nakaligtas sa pang-aalaska ang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Mavy maging sa pinuntahan nitong mall.

Ayon kay Mavy, naglalakad siya sa isang mall nang may biglang nagtanong sa kanya na, "Mavy, one plus one?"

Ang tinutukoy ng nakasalubong nito ay ang naging sagot ni Mavy sa isang television show na "Family Feud."

Sa tanong na, “Kapag nagbibiruan, anong kalokohan ang isinasagot ng friend mo kapag tinanong mo siya ng, ‘one plus one?’” Animo'y pinangunahan ng kaba ang aktor kaya naisagot na lamang nito ang katagang "hotdog."

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Matapos mag-viral ang video clip ng pagsagot ni Mavy ay tila dinogshow na rin niya ang kanyang sarili.

"Feeling ko lang proud na proud mga magulang ko. maliit na bagay! ako lang toh," ani Mavy.