Hinikayat ng isang kongresista sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte na ilaan na lang bilang ayuda sa mahihirap ang kanila-kanilang 2023 confidential fund.

Katwiran ni House Deputy Minority Leader France Castro (ACT Teachers party-list), ang pinagsamang confidential and intelligence fund (CIF) allocations sa ilalim ng 2023 budget ng dalawang tanggapan ay puwedeng gamitin bilang tig-₱10,000 na ayuda sa tinatayang aabot sa 500,000 na mahihirap na pamilya.

Naiulat na nasa₱4.5 bilyon ang confidential and intelligence fund sa Office of the President (OP) habang₱500 milyon naman sa Office of the Vice President (OVP).

"Kung talagang may concern sila, lalo sa mga pinakamahihirap na sektor ng ating lipunan, dapat ay ibigay na nina President Marcos, Jr. at Vice President Duterte ang kanilang confidential and intelligence funds sa ayuda," giit ni Castro sa isang television interview.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

"This ₱5 billion would already help 500,000 families if they are given ₱10,000. This would translate to 2.5 Filipinos aided. This aid could also be spent on the local economy because these families would buy food, clothing, and pay bills so we will be hitting two birds with one stone," aniya.

"Sana naman ay makinig ang Pangulo at Pangalawang Pangulo sa kahilingan ng ating mga kababayang mahihirap, lalo pa at magpa-Pasko.Magandang pamasko sa kanila ang pag-anunsyo na sila ay makatatanggap ng₱10,000 ayuda pagpasok ng Bagong Taon," panawagan pa ng mambabatas.