Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay matapos makasagupa ng grupo nito ang mga sundalo sa Igbaras, Iloilo kamakailan.

Sa report ng Philippine Army (PA), nakilala ang nasawi na si Domingo Costas, alyas "Evan" at "Ivan" na kasapi ng Team 1, Squad 1, Sentro De Grabidad Suyak, Southern Front, Komiteng Rehiyon-Panay.

Sinabi ng militar, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng 61st Infantry Battalion (IB) kaugnay sa namataang 10 kasapi ng NPA sa Sitio Gibasya, Barangay Tigbanaba, nitong Nobyembre 26.

Kaagad na nagresponde sa lugar ang mga sundalo kaya nagkaroon ng sagupaan na ikinasawi ni Costas.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang M16A1 rifles, isang AK47 rifle, isang M203 grenade launcher, isang rifle grenade, improvised explosives device (IED) paraphernalias, medical supplies at subersibong dokumento.