Bubuksan na sa publiko ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) mula Cebu hanggang Baguio pabalik, sa susunod na buwan.

Ito ay matapos magtagumpay ang isinagawang test flight nito sa Loakan Airport sa Baguio City nitong Lunes.

Sa Facebook post ni PAL spokesperson Cielo Villaluna nitong Nobyembre 28, isinagawa ang test flight bago ang itinakdang pagbubukas ng rutang Cebu hanggang Baguio sa Disyembre 16.

Sa nasabing flight test, umalis ng Manila ang eroplano ng PAL dakong 10:39 ng umaga at nag-landing ito sa Loakan Airport dakong 11:30 ng umaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aprubado aniya ito ng Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng Baguio City government.