"Confirmed na raw… si AJ Raval… ay nanganak na!"

Iyan ang bungad ng award-winning showbiz insider na si Ogie Diaz sa kaniyang latest showbiz vlog, kung saan ito ang isa sa mga naging paksa nila, matapos ipagmalaki ng host na nanalo siya at ang "Ogie Diaz Showbiz Update" ng limang parangal mula sa iba't ibang award-giving body sa Amerika.

"Ha? Di ba hindi raw siya buntis?" gulilat na tanong ng co-host na si Mama Loi.

"Iyan nga… naloloka nga ako diyan," sundot naman ni Ogie.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinitas ni Ogie ang unang tsikang kompirmadong nagdadalantao ang Viva actress ayon sa ulat ng impormante ni Cristy Fermin sa kaniyang "Showbiz Now Na". Mismong si Aljur daw mismo ang source, subalit ito ay mariing pinabulaanan ni AJ rin mismo.

Sa katunayan daw ay nagpakita pa ng iba't ibang litrato sa social media si AJ kung saan makikitang nakasuot siya ng bikini at flat naman ang kaniyang tiyan. May ilang appearances din siya sa press con na wala namang umbok o baby bump. Itinanggi rin umano ito ng ama ni AJ na si action star Jeric Raval.

Kaya naman, nagugulumihanan na raw si Ogie sa kung ano na nga ba ang katotohanan tungkol sa isyung ito.

Ayon umano sa source ni Ogie, nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig City si AJ. Paglalarawan pa, nang isugod daw sa naturang ospital ang aktres ay nakatakip ang mukha nito.

Si Aljur naman daw ay nasa labas ng ospital bandang madaling-araw ng Nobyembre 19 at nag-aabang sa loob ng kaniyang sasakyan.

Matapos daw makapanganak ni AJ ay kaagad na itong inilabas ng ospital. Ang ginamit pa nga raw na apelyido ni AJ sa ospital ay "Alvarez", na apelyido sa pagkadalaga ng kaniyang ina.

Na-identify raw na si AJ ang babaeng ipinasok sa emergency room na nakatakip ang mukha dahil sa tattoo sa kaniyang dibdib. Mabuti na lamang din umano at hindi nakita ang tattoo nito sa wetpaks.

Sa tanong naman na bakit walang nakitang baby bump noon sa kaniya, baka naman daw maliit lamang magbuntis si AJ. baka raw kailangan lamang itago ang mga bagay na ito lalo't baka makaapekto sa annulment nina Aljur at estranged wife na si Kylie Padilla.

"I'm sure lalabas din one day si AJ para klaruhin ang lahat ng ito," ani Ogie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni AJ o ni Aljur tungkol dito.