Sinibak na ni Land Transportation Office (LTO) chief Jose Arturo Tugade sa kanilang puwesto ang apat na enforcer nito matapos matapos kumalat sa social media ang video ng umano'y pangongotong ng mga ito sa isang motorista sa Bocaue, Bulacan kamakailan.

Sa post ng ahensya sa kanilang Facebook page, binanggit na isinagawa ni Tugade ang hakbang habang iniimbestigahan ang reklamo laban sa apat na enforcer na nakatalaga sa LTO-Field Enforcement Division (FED).

Ipinatawag na rin sa LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City ang apat na enforcer upang magbigay ng paliwanag sa umano'y pangongotong ng ₱8,000 sa isang motorista na hinarang nila sa LTO checkpoint sa Bocaue, Bulacan, malapit sa Philippine Arena.

Ang insidente ay nakunan ng video na kaagad kumalat sa social media. Umabot sa 2.8 milyon ang views nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nangako si Tugade na hindi nito kukunsintihin at kakasuhan pa ang mga tauhang gumagawa ng katiwalian.

“I have repeatedly said that I will not condone corruption at LTO both at the LTO offices and on the field. The campaign against corruption is one of the earliest initiatives I undertook upon assumption into office. There will be zero tolerance on corruption!,” aniya.

“These enforcers would have probably gotten scot-free had it not been for the vigilance of our netizens so we would like to thank them. I hope that those who may want to get involved or are already involved in illegal activities better think about it first because now, not only the LTO but also the netizens, are watching them,” sabi pa ng opisyal.