Patay ang isang rider nang makabanggan ng kanyang sinasakyang motorsiklo ang isang truck sa Teresa, Rizal nitong Linggo ng madaling araw.

Ang biktima na nakilala lang na si Jude Nicolo Galo ay hindi na umabot ng buhay sa pagamutan dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, arestado naman ang driver ng truck na si Mecio Morales Jr..

Batay sa ulat ng Teresa Municipal Police Station, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Corazon Aquino Avenue sa Brgy. San Roque, sa Teresa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Binabagtas umano ng biktima ang naturang lugar, lulan ng kanyang motorsiklo, nang makasalubong at makabanggaan nito ang truck na minamaneho naman ni Morles, na galing ng Antipolo City patungong direksiyon ng Morong, Rizal.

Dahil dito, tumilapon at nagtamo ng mga sugat si Galo na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Nasa kustodiya na ng pulis si Morales at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.