Posibleng tumaas ang presyo ng produktong liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng Disyembre ngayong taon, ayon sa pahayag ng Department of Energy (DOE) nitong Linggo.

Ikinatwiran ni DOE-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad, madalas na nararamdaman sa Nobyembre at Disyembre ang pagtaas ng presyo ng produktong LPG.

“Malaki po talaga ang chance. Ayaw kong sabihin na 100%, wala pa akong hinahawakan na report, pero malaki ang tsansa na magkakaroon pa rin tayo ng increase,” paglilinaw ni Abad sa panayam sa telebisyon.

“Ang comfortable talaga ako na January, February, at March, ay medyo mag-e-ease out 'yan kasi ‘yan po ay utilization period na,” dagdag ng opisyal.

Eleksyon

Hontiveros sa pagkandidato ni Quiboloy: 'Magkaroon naman kayo ng kaunting hiya'

Sa kabila nito aniya, malaki pa rin ang posibilidad na magtuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.

Sa pahayag naman ng isang kumpanya ng langis, aabot na sa₱3.50 ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng LPG products habang nadagdagan ng₱1.96 ang presyo ng bawat litro ngAutoLPGngayong buwan.