Kasunod ng kaniyang ika-18 kaarawan, ibinunyag na rin ng The Voice Kids champ na si Lyca Gairanod ang kaniyang non-showbiz boyfriend.

Ito ang matutunghayan sa vlog ng Cagayan-based content creator na si David Lañas nitong Linggo na lumipad pa papuntang Maynila at mula rito, bumiyahe pa-Cavite para paunlakan ang imbitasyon ng pamilya ng young singer.

Dito, nasilayan nga ang intimate na debut celebration ni Lyca kasama ang pamilya, mga kaibigan at ang kasintahan.

Mahigit apat na minuto sa YouTube vlog, ayon kay David, noong gabing din yun ni-reveal ni Lyca ang ‘di pinangalanang boyfriend nito.

ALAMIN: Celebrities na nag-file ng COC sa unang araw

Maliban sa ang naturang binatilyo ay isang non-showbiz personality, miyembro umano ito ng isang grupo ng young talents.

Matatandaang viral ang naging birthday celebration ni Lyca noong Nob. 21.

Basahin: Dating bulilit lang na si Lyca Gairanod, dalaga na sa kaniyang birthday photos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Panuorin ang kabuuang YouTube vlog dito: