Durog ang puso ni Kapuso singer Aicelle Santos kasunod ng mga ibinahaging tagpo sa burol ng kaniyang namayapang ina nitong Linggo.

Matapos ang tatlong buwang pakikipaglaban sa ospital, pumanaw kamakailan ang ina ng Kapuso singer na si Leonila "Onnie" Santos. Unang napaulat ang noong Agosto nag kritikal na kalagayan nito matapos atakehin sa puso.

Basahin: Kapuso singer Aicelle Santos, humiling ng dasal para sa inang nakaratay, kritikal ang lagay – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang nanawagan pa ng tulong-pinansyal ang singer sa publiko matapos ang kinaharap na pagsubok ng pamilya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Basahin: Aicelle Santos, humihingi ng tulong pinansyal para sa inang nasa ICU – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noon ngang Biyernes, isang malungkot na balita ang hatid ng Kapuso star sa pamamagitan ng isang larawan ng paru-paru sa Instagram.

“I know this is you, Ma.💛 Fly free now. Mahal na mahal na mahal po kita,” mababasa sa caption ng IG post ni Aicelle.

Agad na bumuhos ang pakikiramay sa pamilya ng singer mula mga katrabaho at kaibigan sa showbiz.

Instagram/Aicelle Santos

Kabilang sa mga nagpaabot ng pagyakap at pagdarasal sina Rita Daniela, Julie Anne San Jose, Jolina Magdangal, Gabbi Garcia, Mark Bautista, bukod sa iba pa.

Sa isang larawan naman ngayong Linggo, binalikan muli ng singer ang magkayakap at masayang tagpo nila ng kaniyang Mama “Onnie” noong kaniyang kasal.

Muli, anang singer, “I love you so much, Ma.🙏”

Ilan pang celebrities ang nagpaabot ng pakikiramay kabilang na sina Pops Fernandez, Allan, K, Lara Maige, at Jay-r.

Instagram/Aicelle Santos

Makikita naman sa serye ng IG stories ni Aicelle ang burol ng ina na patuloy na ikinadudurog ng kaniyang pamilya.

Instagram story/Aicelle Santos

Instagram story/Aicelle Santos

Edad 60-anyos ang ina ng Kapuso singer.