Inaresto ng pulisya ang isang kolektor na Chinese matapos maharang nang tangayin ang ₱1 milyong kita ng kanilang kumpanya sa Kawit, Cavite kamakailan.

Under custody na ng pulisya ang suspek na si Pengchao Wang, 22, empleyado ng First Orient International Venture Corporation sa nasabing lugar.

Sinabi ng Cavite Police Provincial Office, inaresto ang suspek matapos mabisto ng naka-duty na security guard ang pera sa kanyang bag nitong Nobyembre 25.

Sa imbestigasyon ng Kawit Municipal Police Station, walang maipakitang cash clearance ang suspek mula sa kanilang opisina kaya ito inaresto.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa suspek.