Hindi karaniwang wholesome content ang nasaksihan ng followers ng mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis kasunod ng isang laugh trip na behind the scene ng isang Instagram reel ng aktres nitong Sabado.

Unang ibinahagi ni Anne ang maikling IG reel sa kanilang naging anniversary beach getaway ni Erwan ngayong buwan.

Basahin: Anne at Erwan, nagdiwang ng ikalimang wedding anniversary sa isang beach getaway – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dito, iflinex ni Erwan ang kaniyang pangmalakasang editing at directing skills kung saan effortless namang modelo ang asawang si Anne.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa edad na 36-anyos, litaw na litaw pa rin ang youthful glow ng celebrity mom suot ang two-piece bikini.

Pagmamalaki pa ni Erwan, isang oras lang kinunan ang mala-campaign na kalidad na reel.

“Shot in 1 hour while Dahlia was napping,😮” flex na comment ni Erwan sa IG reel ng asawa.

Makalipas ang ilang oras, ikinagulat naman sa paraang nakakaaliw, ng maraming netizens ang laugh trip na behind the scene video ni Erwan sa asawa.

Habang kinukunan ng drone ang asawang emote na emote sa dalampasigan, isang alon ang biglang humampas kay Anne, bagay na ikinatawa naman ng aktres.

Lalo lang ikinaaliw ng netizens ang tagpo dahil sa literal na nagmumurang background sound na inilapat ni Erwan sa video.

“Dyosa in her element. wins. P. S If you don't hear from me in the next 24 hours, send help,” mababasa sa pilyong caption ng mister.

Instant laugh trip naman ang agad na hatid ng video sa mga kaibigang celebrities.

Maging ang asawang aktres ay tawang-tawa rin sa IG video.

“THE BEST! HAHAHAHA! 😂” komento ni Anne.

“Director’s cut at its finest 🤨 You’re forgiven tho because tawang-tawa me. Hahahahahha,” dagdag na saad ng misis sa asawa.

Kaliwa’t kanang good vibes online ang libre ring hatid ng video sa mga netizen.

“Di ko po inexpect yung sound HAHAHAHAHHAHAA”

“Yung sounds HAHAHAHAHAHA not so Erwan and Ann 😂😭 pero ang kyot hahahah”

“DINOGSHOW SARILING ASAWA 😭”

“Audio hit diff ahahahahahaha”

“Never imagined Erwan using this song hahahahah kasalanan mo to mima!!! 😂”

“WHY NAMAN DINOGSHOW YUNG ASAWA AHAHAHAAHAHHAHAHAHA”

“Unexpected ang sound, winner 😂😂😂”

Libu-libong likes at views na agad ang inani ng video sa pag-uulat.