Sa El Nido, Palawan ipinagdiwang ng showbiz couple Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang ikaanim na taon bilang magkasintahan.

Ito ang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram update, Sabado kalakip ang dalawang larawan nila ni Ronnie na magkahawak ang kamay habang nasa dalampasigan.

“to ang patikim nina Vince Abrenica, at Kylie Padilla sa isang online update kamakailan habang puspusan na ang kanilang paghahanda para sa tila action-packed TV project.

“Sun of a beach ☀️🌊🏝❤️‍🔥,” mababasa sa IG post ng aktres.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Kinilig naman agad ang maraming fans ng showbiz couple na matatandaa’y naintriga pa sa isyu ng hiwalayan kamakailan.

Basahin: Intriga sa umano’y pinagdadaanan ng LoiNie couple, inalmahan ng aktres – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, napa-react naman sa IG post ni Loisa ang seasoned actress na si Dimples Romana.

Nag-iwan ang batikang aktres ng in-love emoji sa ngayo’y viral IG post.

Pilyang reaksyon aman ng kaibigan ng LoiNie, “Ayyyy nako po.”

Matatandaang parehong orihinal na nagsimula sa hit Kapamilya TV reality show na Pinoy Big Brother ang LoiNie, gayundin si Maris.

Sa pag-uulat, nasa 121,000 likes na ang IG post sa pag-uulat.