Lumuwa ang mga mata ng mga netizen sa panibagong pasabog ng aktres na si Heaven Peralejo para sa kaniyang 23rd birthday nitong Biyernes, Nobyembre 25.

Makikita kasi sa Instagram post ni Heaven ang mga litrato niya kung saan wala itong saplot sa pang-itaas, at wala ring suot na bra.

View this post on Instagram

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ang tanging tumatakip lamang sa kaniyang dalawang cocomelon ay kaniyang dalawang braso na may suot na itim na gloves. Pasabog talaga!

Umani naman ito ng pagbati sa mga celebrity friends at netizens. Isa na rito ang sikat na social media personality na si Kimpoy Feliciano na ilang beses nang naugnay sa kaniya.

Mukhang sa awrahan ngayon ni Heaven ay handa na siyang sumabak sa mature roles. Isa na nga riyan ang maiinit na eksena nila ni Ian Veneracion sa pelikulang "Nanahimik ang Gabi" kung saan gaganap siya bilang "kabetchina" ni Papa Ian.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/">https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/23/ian-sobrang-wild-pinosasan-halos-papakin-si-heaven/">https://balita.net.ph/2022/11/23/ian-sobrang-wild-pinosasan-halos-papakin-si-heaven/