Ito ang patikim nina Vince Abrenica, at Kylie Padilla sa isang online update kamakailan habang puspusan na ang kanilang paghahanda para sa tila action-packed TV project.

“Looking forward to this new journey! Husay mo gumalaw talaga kakai! Let's do it! @kylienicolepadilla #soon,” mababasa sa IG post ni Vin, Huwebes.

View this post on Instagram

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sa kabila ng inabot na isyu ng Kapuso actress at dating asawang si Aljur Abrenica, tila maayos naman ang naging relasyon ni Kylie sa dating bayaw, bagay na ikinatuwa naman ng kani-kanilang followers.

“Angas! Congrats sa new show brother! 🙌” maagang pagbati ni Kapuso actor Ruru Madrid sa upcoming project ng dalawa.

Maging si Thea Tolentino, Shaira Diaz at Sophie Albert ay nagpaabot din ng pagbati sa bagong duo.

Samantala, kapansin-pansin naman ang pag-like ni Aljur sa naturang video.

Sa isang panayam kamakailan, matatandaang diretsang sinabi ng aktor na mananatili siyang committed kay Kylie lalo bilang co-parent ng dalawa nilang chikiting.

Basahin: Aljur Abrenica, may magkaibang regalo kina Kylie Padilla, AJ Raval ngayong Pasko – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Commitment na I’ll always be there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nariyan para sa kanila whenever they need me and love,” ani Aljur.