Patay ang isang driver matapos salpukin ng isang 16-wheeler truck ang minamanehong truck sa Subic-Clark-Tarlac expressway (SCTEX) sa Concepcion, Tarlac nitong Biyernes ng hapon.

Hindi pa rin nakikilala ng pulisya ang driver na dead on arrival sa Concepcion District Hospital dahil sa matinding pinsala sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa paunang report ng Concepcion Municipal Police Station, dakong 2:30 ng hapon nang maganap ang aksidente sa SCTEX (northbound), Barangay San Francisco, Concepcion.

Tinatahak ng isang 12-wheeler dump truck ang lugar patungong norte habang ang ikalawang 16-wheeler trailer truck ay binabagtas ang kabilang lane.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Gayunman, bigla umanong nawalan ng kontrol ang driver ng ikalawang truck kaya sumampa ito sa kabilang lane na naging dahil upang masalpok nito ang truck na minamaneho ng nasawi.

Sa lakas ng pagkakabangga, nahulog ang dalawang truck sa gilid ng kalsada.

Noong Enero 31, 2019, limang pasahero ng isang tourist bus ang nasawi matapos sumalpok sa sinusundang truck ang kanilang sinasakyan sa nasabi ring lugar.

Halos 50 na pasahero ang naiulat na nasugatan sa nasabing aksidente, ayon kay NLEX-traffic management and safety head Robin Ignacio.