Pinagkatuwaan ng netizens ang ngayo’y viral photo ng content creator at dancer na si DJ Loonyo matapos umanong i-peg ang celebrity at world-renowned Pinoy designer na si Michael Cinco.

Noong Martes, Nob. 22, isang larawan ang ibinahagi ni DJ Loonyo sa kaniyang social media post.

Dito, kitang-kita ang ang high-fashion taste ng online personality na ngayo’y naghahanda na rin para sa kauna-unahang major concert.

“Them: Bro, wag na yan, kahit sayaw ka nalang, mahirap yang kantahan. Stick ka sa tiktok kung saan ka malakas,” mababasa sa kaniyang caption kalakip ang viral na larawan na tila pagtanggi sa dikta ng nakararami sa kaniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Bagaman intensyonal ang fashion style ng DJ, hindi naman ito nakaligtas sa makukulit na imahinasyon ng netizens dahilan para ikumpara ang DJ sa isang bantog na Pinoy designer sa international scene.

“Twinning sila ni Michael Cinco,” pilyong comment ng isang follower kalakip ang larawan ng Dubai-based designer.

“Michael Cinco ang atake ni acklaaa!” segunda ng isa pa.

“Can't wait to fit my customize suit made by one and only MC all the way from Dubai,” segunda pa ng isang netizen.

“The design is very Michael Cinco with OhmyV33nus,” pagdawit pa ng isang follower sa kilalang gaming champion.

“Kala ko si Michael Cinco😁

“Michael Cinco impersonator realness.😎

Samantala, sa darating na Dis. 8 masasaksihan ng fans ni DJ Loonyo ang kauna-unahang concert nito sa Matrix Ceation Events Venue sa Quezon City.

Ngayon pa lang, naghahanda na ang online personality para sa nasabing career milestone.