Sa pagbabalik-tanaw ng bagong may-ari ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip sa matagumpay na gala kamakailan, kinakiligan ng pageant pageants, lalo na ng mga Pinoy ang tila malalim nang pagkakaibigan ng transwoman CEO at Pinay titleholder na si Catriona Gray.

Sa kaniyang Facebook update, Sabado, special mention ang Miss Universe 2018 na tinawag pa ni Anne bilang “real star of the universe.”

Basahin: Catriona Gray, may nilinaw sa naging viral na paghaharap nila ni Anne Jakrajutatip – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang nauna nang nilinaw ni Cat na walang naging iringan sa pagitan nilang dalawa ni Anne kasunod ng viral nilang paghaharap sa naturang event.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Noong 2020, bagaman nilinaw na kapatid ang naging turingan, nasangkot noon ang bagong may-ari ng Miss Universe sa umano’y romantic relationship kay Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Catriona.

Basahin: Anne Jakrajutatip, ang Thai multi-billionaire transwoman at bagong may-ari ng Miss Universe – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya naman instant chismis agad online ang paghaharap ng dalawa. Umani pa ng nakakatawang mga dub online, at kaniya-kaniyang hula ang netizens ukol sa naging pag-uusap ng dalawa sa naturang video.

Isang malinaw na senyales naman anang fans ang pagbibigay-pugay ni Anne kay Cat sa kanila umanong parehong paggalang sa isa’t isa.

Basahin: Paandar na mga look ni Catriona Gray sa kamakailang event sa Thailand, usap-usapan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“The Philippines loves you so much, Miss Anne Jakrajutatip. Thank you so much, Catriona Gray for making the Filipino people proud of your success as Miss Universe 2018!” parehong pagkilala ng isang Pinoy pageant fan sa dalawang matagumpay na kababaihan.

“If she competes every year she can easily go to the top 3! Timeless Beauty and Brain! My favorite MU Queen!” pagsang-ayon ng isa pang follower ng trans billionaire.

“Thank you ms. Anne Love from the Philippines😘

Samantala, sa bagong pamunuan ng prestihiyusong pageant brand, isang malinaw na hangarin ang target ni Anne.

“Transformational Leadership is what The Universe is looking for this year! I want to see the Powerful Iconic Woman of the World who People can be related to and they can also look up to.”