Matapos ang mahigit dalawang taong hiwalayan ng noo’y power couple na sina James Reid at Nadine Lustre, nitong Miyerkules lang sabay-sabay na pinagbubura ng aktor ang mga larawan ng dating kasintahan.

Ito ang malungkot na obserbasyon ng maraming fans ng JaDine love team na tuluyan na ngang nagsara ng isang yugto.

Nauna nang walang mababakas na mga larawan ni James sa Instagram ni Nadine na ngayo’y happily dating na rin sa Filipino-French businessman na si Christopher Bariou simula ngayong taon.

Bagaman bahagi pa rin ng Careless Music, ang record label ng aktor, si Nadine ayon sa kanilang official website, damay sa mga buradong larawan ang mga music projects ng aktres sa online page ni James.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: ‘Lovescene’ album, ‘saddest confession’ ni James Reid kay Nadine Lustre, anang fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasabay ng tila desididong pagmu-move-on ng dalawa ang muli namang pagluluksa ng fans na aminadong umasa pa rin sa posibleng comeback ng showbiz couple.

“I'm happy for dada James but still it hurts,” komento ng isang fan sa isang fan page ng dalawa sa Faceboook.

“Masaya naman ako para sa kanila pero may kirot pa din talaga,” segunda ng isa pa.

“Ang sakit andito parin talaga although happy ako sa kanila individually.”

“Narararamdaman ko nanaman yung sakit nung nag announce sila way back 2020.😭😭😭Affected nanamn ako masyado.Huhuhu. Kakainis naman talaga. gusto konang umusad, bat parang hindi parin.😭

“I think its time to move on💔😔😩

“From “naniniwala na ako sa forever” to “atleast we met, atleast we had memories together” my epic love.🥺😭

Matatandaang laman ng mga kanta sa latest album ni James ang anang fans na isang bukas na liham nito sa dating pag-ibig kay Nadine.

Basahin: Walang magmu-move on? Bagong kanta ni James, partikular na tungkol kay Nadine – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya para sa isang fan, naging hudyat na raw ito para rin opisyal na tapusin ng aktor ang naging yugto ng kaniyang buhay kasama ang aktres.

Matatandaang Enero 2020 nang maghiwalay ang showbiz couple matapos ang kanilang apat na taong relasyon.