Bagong sasakyan ang iflinex ng direktor at abogadong si Vince Tañada nitong Huwebes.

“Thank you Lord for this new blessing. This is something I can use for my next film. Salamat sa biyaya,” mababasa sa kaniyang Facebook post kalakip ang larawan kasama ang kaniyang pamilya.

Mababasa rin sa post ang mga hashtag na #KatipsTheMovie,  #Staria2023 at  #katasngkatips.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Matatandaang umikot sa iba’t ibang bahagi sa mundo ang pagpapalabas sa matagumpay niyang pelikulang “Katips” ngayong taon.

Basahin: Kabog! ‘Katips’ stars, isinakay sa limousine papunta sa isang screening sa Brisbane, Australia – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang online followers naman ang masayang bumati sa bagong ari-arian ng direktor.

Umabot na sa mahigit 1,400 reactions ang post ng abogado sa pag-uulat.

Nauna nang ipinahayag ng direktor ang ilang proyektong paglalaanan ng mga kita ng kaniyang pelikula.

Noong Oktubre nga, naiulat din ang pagpapaabot ng tulong ng kaniyang team sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa Cotabato.

Basahin: Kita ng ‘Katips’, itutulong sa Cotabato—Tañada – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid