Noong Setyembre, matatandaang nadawit ang pangalan ni Rachel Carrasco sa mga kontrobersyal na rebelasyon noon ni Maggie Wilson, ang estranged wife ng negosyanteng si Victor Consunji.

All-smile nga ang parehong negosyante sa isang larawan sa Instagram noong Nob. 23, Miyerkules, kasunod ng kanilang magkasamang trip sa Paris, France.

Tila lowkey na pagkukumpirma naman ni Rachel ang naturang post sa usap-usapan umanong romantic relationship niya kay Victor.

“Toi et Moi,” [You and I] mababasang French caption ng negosyante.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ilang piling Instagram accounts at tila mga malalapit na kaibigan ng negosyante ang agad na nagpaulan ng heart emojis sa naturang post.

Dalawang buwan na ang nakalipas, nauna nang nakaladkad si Rachel sa mga rebelasyon noon ng modelong si Maggie na aniya’y naging babae ng noo’y asawang si Victor.

Basahin: Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“In 2019, a woman (one) of despite her being married at the time, I found was taking ‘trips’ and checking in to various hotels with him, without my knowledge. She has recently been posting in our ‘conjugal home,’ living her best life! Despite this, I have been accused of adultery and issued an arrest warrant,” pagsisiwalat ni Maggie noong Setyembre.

Nauna na ring nagsampa ng kaso si Rachel laban kay Maggie kasunod ng mga inabot na kontrobersiya kasunod ng mga binitawang rebelasyon.

Basahin: Maggie Wilson, kinasuhan ni Rachel Carrasco matapos kaladkarin pangalan nito – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tila dedma naman sa latest photo ng dalawa ang modelong si Maggie na nagpahayag pa ng isang makahulugang post sa Instagram, Huwebes.

“This current chapter of my life is called: MY TURN,” anang modelo.

Ilang followers din nito ang nagpahayag ng suporta sa dating beauty queen sa susunod na mga hakbang nito.

“Right behind you! 💯💪🏽”

“Go Girl...May HIS POWER be with you💪🙏😇⬆️”

“Love this!!!!! Goooo, Queen! ❤️✨”

“Fighting Ms. Maggie! ❤️”