BATANGAS - Patay ang isang barangay captain na ex-officio member ng Sangguniang Bayan matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Lemery kamakailan.

Dead on arrival sa Metro Lemery Medical Center ang biktimang si Enrico Renwick Razon, 59, taga-Kapitan ng Barangay District 3 sa nasabing bayan, sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa report ng Lemery Municipal Police, minamaneho ng biktima ang kanyang SUV at tinatahak ang barangay road ng Brgy. Ayao- Iyao nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo, nitong Nobyembre 22, dakong 5:30 ng hapon.

Sinundan umano ng riding-in-tandem ang SUV ng biktima at nang maabutan ay isinagawa ang pamamaslang.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng pulisya na hindi nasugatan ang tatlong babaeng kasama ni Razon sa sasakyan.

Mabilis na tumakas ang mga hindinakikilalangsalarin matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga suspek at motibo sa pagpatay.