Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na huwag kumain ng mga shellfish na galing sa Cancabato Bay sa Tacloban City dahil nagtataglay ng red tide toxin.

Sa abiso ng BFAR nitong Miyerkules, nakitaan ng paralytic shellfish toxin ang nakuhang meat samples sa naturang lugar batay na rin sa isinagawang laboratory examination.

“To safeguard human lives and mitigate impacts to the shellfish industry while waiting for the BFAR central office test result, this local red tide warning is issued as a precautionary advice to the public to refrain from gathering, selling, and eating all types of shellfishes and Acetes sp., locally known as Alamang or Hipon, from this bay,” ayon sa BFAR.

Ayon sa ahensya, mayaman sa tulya ang Cancabato Bay at ini-export pa ito sa Taiwan at Hong Kong.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nitong Oktubre 27, nagpositibo rin sa red tide ang mga shellfish sa coastal water ng Guiuan sa Eastern Samar.

Sa shellfish bulletin ng BFAR, ipinagbabawal din ang paghango ng mga shellfish saIrong-Irong Bay sa Catbalogan City sa Samar at San Pedro Bay sa Basey sa nasabing lalawigan.

Philippine News Agency