Ito ang Instagram flex ni Kapamilya actress Dimples Romana matapos ma-meet si South Korean actor Song Joong Ki sa New York City.

“Many of my dreams came true with that NYC trip for the#iEmmysand I can’t wait to share them all with you, but for now, let me share this 😍🥰✨,” mababasa sa Instagram post ng aktres, Miyerkules, kalakip ang larawan kasama ang “Vincenzo” star.

Naka-tag at special mention pa ang Korean actor sa naturang IG post ni Dimples at aniya’y isang karangalan na makadupang palad ito sa naganap na 50th International Emmy Awards kamakailan.

“He was super warm. Grabe so handsome in person lalo and super humble,” paglalarawan ng aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang aktor ang isa sa pinakasikat sa industriya sa South Korea na nakilala sa mga seryeng Descendants of the Sun (2016), Arthdal Chronicles(2019) at Vincenzo(2021), gayundin sa mga pelikulang A Werewolf Boy(2012),The Battleship Island(2017) atSpace Sweepers(2021).

Aminado namang pangarap ni Dimples ang makatrabaho si Song Joong Ki sa hinaharap.

“Manifesting that in this lifetime I get to work and act alongside him. 🙏🏻❤️ LORD PLEASE 😇😍😂,” aniya.

Agad namang napa-react ang kapwa celebrity at suki rin ng hallyu pop culture na si Anne Curtis, gayundin ang Kapamilya brodkaster na sina Karen Davila, Bernadette Sembrano, bukod sa iba pa, sa pambihiring encounter sa global star.

Noong Hunyo, matatandaang isa sa napiling international jurors si Dimples para sa prestihiyusong pagkilala ngayong taon.

Basahin: Kapamilya actress Dimples Romana, napiling juror sa prestihiyusong Int’l Emmy Awards 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa hiwalay na IG post, ganap na ring bahagi ng International Academy of Television Arts & Sciences ang Kapamilya actress.

“Coming home to the Philippines with so many learnings, new hope, new friends and future colleagues,” aniya.