DAVAO - Halos 3,000 magsasaka sa Davao Oriental ang tumanggap ng ayuda kamakailan, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA).

Sa pahayag ng DA-Region 11, ang ayudang nagkakahalaga ng₱5,000 na ipinamahagi sa 2,951 magsasaka sa Cateel ay hinugot saRice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA3) program ng ahensya.

Nilinaw ni DA- Region 11regional rice program coordinator Evelyn Basa, puntirya pa nilang mabigyan ng ayuda ang 29,281 magsasaka na naapektuhan ng pagbaba ng presyo ng palay kasunod na rin ng implementasyon ngRice Tariffication Law (RTL).

Nasa 81 porsyento na aniya ng target nilang makikinabang sa unconditional cash assistance ang tumanggap ng kahalintuladna halaga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Umabot na aniya sa₱120 milyon ang naipamahagi ng ahensya.

“We hope to finish the distribution in December this year,“ pagdidiin ni Basa.

“As part of the regular programs of DA, we are now preparing a special fund for fertilizer vouchers which the rice farmers can avail of,” ayon kay Basa.

“Farmers eligible for this are those who are planting for November to December regardless of the area, but a maximum of two hectares per farmer. The DA will give a fertilizer voucher worth PHP6,600 per hectare,” dagdag pa ng opisyal.

Philippine News Agency