Hands-on sa kaniyang unang supling na si Baby Amila Sabine si Kapamilya actress Angelica Panganiban na nagbahagi pa ng mga natutunan, dalawang buwan sa kaniyang pagiging nanay.

Nitong Martes, ilan sa mga napagtanto ng first-time mom ang kaniyang ibinahagi sa isang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Bago ka mag padede kapag 4am na, mag sipilyo, hilamos at umihi ka na. You’ll never know kung papayag pa ba siyang magpababa sayo (ibulong mo na din kay Lord na sana makaligo ka sa araw na ito),” mababasa sa post ng aktres,

Certified breastfeeding mom din si Angelica.

“Pangalawa, ipunin ang mga kailangan sa tabi mo kapag nagpadede ka, remote ng tv, at ng aircon, libro, phone, charger, tubig at snacks.”

“Pangatlo, hindi ka na makakapagdamit. Tanggapin mo na, na naka-bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo. Kasama na rin dito ang pag suklay ng buhok. What is hair brush na po tayo. Opo.

“Pang apat, kumain ng marami at mabilis. Pero bawal ang kalansing ng kubyertos at baka magising mo ang nabudol mong baby,” pagpapatuloy niya.

Sa huli, dapat umanong samantalahing matulog kapag tulog ang baby.

“Subukang pakalmahin ang isip. I know madami tayong gustong gawin at ma accomplish. Pero, tanggapin mo nang, hindi ka naman talaga makakatayo sa kinauupuan mo. Kaya matuto kang matulog ng nakaupo. 😋”

Sunod na sinaluduhan ng aktres ang kapwa mga ina. Ikinarelate naman ng maraming celebrity moms at mga kaibigan kasama sina Anne Curtis, Jolina Magdangal, Isabel Oli, at Chyna Ortaleza ang struggles ng aktres.

Kasalukuyan nang umani ng nasa mahigit 112,000 likes ang naturang IG post ni Angelica.

Noong Oktubre nang isilang ng Kapamilya star ang unang supling nila ng partner-businessman na si Gregg Homan.

Basahin: ‘Hello world!’ Angelica Panganiban, may pa-face reveal na sa kaniyang baby – Balita – Tagalog Newspaper Tabloi