Ilang maningning na celebrities kabilang na sina Anne Curtis, Kim Chiu, Ivana Alawi, Bea Alonzo, Maymay Entrata bukod sa maraming iba pa ang napa-sana all na lang sa larawan ng aktres na si Liza Soberano kasama si BLACKPINK member Jennie Kim.
Sa pambihirang pagkakataon, nakita ng milyun-milyong followers ni Liza ang literal na up-close encounter niya sa K-pop global star.
Present sa Born Pink World Tour sa Banc of California Stadium sa Los Angeles si Liza kamakailan.
Nito ngang Lunes, iflinex ng “happiest girl” ang mga larawan na ikina-sana all na lang ng kapwa celebs!
Kabilang sa mga napa-react sa larawan ni Liza at Jennie sina Mond Gutierrez, Bea Alonzo, Ivana Alawi, Andrea Brillantes, at Anne Curtis.
Napa-sana all din sina Maymay Entrata, Kim Chiu, Ruffa Gutierrez, Megan Young at Cassy Legaspi.
Tila living her K-pop fan dream ang aktres sa Amerika sa kaliwa’t kanang appearance online kasama ang maningning na K-pop celebrities.
Kamakailan lang, na-meet din ng aktres ang sikat na K-pop artist na si Henry Lau sa headquarters ng Careless Music, ang record label ni James Reid.
Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 693,000 likes ang latest IG snaps ni Liza kasama si Jennie.