BUKIDNON - Pinasusuko na ng militar ang mga natitirang kaanib ng New People's Army (NPA) sa Bukidnon para na rin sa diwa ng Kapaskuhan.

"We are relentlessly calling all remaining rebels to lay down their arms and embrace peace and celebrate Christmas with your family. Our government is here to assist you in your reintegration into the mainstream," pahayag ni 8th Infantry Battalion (IB) commander Lt. Col. Anthony Bacus.

Ayon kay Bacus, mapipilitan pa rin silang ipagpatuloy ang military operations laban sa mga rebelde sa lalawigan upang tuluyan nang malansag ang kilusan.

Nitong Nobyembre 17, sumuko sa militar ang tatlong rebelde sa Barangay Poblacion, Impasugong.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ni Bacus, ang mga sumurender ay pawang miyembro ng North Central Mindanao Regional Command.

Matinding gutom aniya ang rason ng kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan, bukod pa ang pagod dahil sa  walang humpay na operasyon ng tropa ng gobyerno laban sa kilusan.

Idinagdag pa ng isa sa mga sumuko na hindi pa rin natupad ang ipinangako sa kanila ng kilusan at sa halip ay nagkawatak-watak na ang pamilya nito.

PNA