Matapos kumpirmahing nasa "dating" stage na ang kapwa Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo at anak niyang si Ria Atayde, tila mas nakakapalagayang-loob na ng beterana at premyadong aktres na si Sylvia Sanchez ang aktor. 

Ibinahagi ni Ibyang sa kaniyang Instagram post ang mga larawan kung saan makikitang kasama nilang kumakain si Zanjoe.

"Thank u for spending time with us Z @onlyzanjoemarudo," anang aktres.

"I’m looking forward to know you more," dagdag pa nito. 

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Matatandaang kinumpirma ng beteranang aktres noong nakaraang buwan na nasa dating stage na si Zanjoe at Ria.

Aniya, hindi pa opisyal ang relasyon ng dalawa dahil kinikilala pa muna nila ang isa’t isa. Pinabulaanan din ng mahusay na aktres ang mga kumakalat na tsikang buntis daw ang kaniyang anak.

“Kaya nga natatawa ako doon sa mga lumalabas na buntis, nagpakasal. Hello! Ako muna makakaalam no, ako po nanay,” sey ni Sylvia.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/10/15/zanjoe-marudo-at-ria-atayde-nasa-dating-stage-na-buking-ni-sylvia-sanchez/