Patay ang isang dating barangay tanod matapos pagbabarilin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Las Castellana, Negros Occidental kamakailan.

Dead on the spot ang biktimang kinilala ng pulisya na si Jovanie Omboy, 43, taga-Brgy. Montilla, Moises Padilla, Negros Occidental.

Kaagad namang tumakas ang mga rebelde matapos isagawa ang krimen.

Sa paunang report ng mga awtoridad, ang insidente ay naganap sa Brgy. Puso, nitong Nobyembre 20.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa pahayag naman ni Las Castellana Police chief, Capt. RhojnDarellNigos, pauwi na sana si Omboy at naglalakad sa lugar, kasama ang live-in partner nang harangin sila ng tinatayang aabot sa 10 na rebelde.

Tinanong umano ng mga rebelde ang ka-live-in partner ng biktima kung miyembro ngCivilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) si Omboy.

Gayunman, tumakbo ang biktima kaya hinabol ito ng mga suspek bago pinagbabaril.

May teorya ang pulisya na napagkamalan lamang si Omboydahil madalas itong nagtutungo sa detachment ng CAFGU.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang mga nasa likod ng pamamaslang.

Glazyl Masculino