Magkasama muli sa isang event kamakailan ang umano’y magkaibigan lang na sina Kapuso young actress Cassy Legaspi at Kapamilya singer Darren Espanto.

Instant kilig ang hatid ng social media post ni Cassy nitong Nob. 16 kasunod ng event ng isang luxury brand, kung saan kasama si Darren ay present nga ang dalawa.

All-smile pa ang young actress sa dalawang larawan habang makikitang nakikipagkulitan sa Kapamilya singer.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Libu-libong netizens ang kinilig sa panibagong photos together ng dalawa na maya’t maya nga'y naiintriga at nali-link sa isa’t isa.

Maraming CassRen fans, ang tawag sa love team ng dalawa, as usual, ang nagpahayag ng kilig at saya para sa rumored celebrity couple.

Basahin: Hot seat: Tunay na score sa relasyon nina Darren at Cassy, rektang inalam ng inang si Carmina – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang nauna nang nilinaw ni Cassy na matalik na magkaibigan lang umano sila ni Darren.

Ito’y sa kabila ng madalas na paglabas ng dalawa nang magkasama sa ilang public events.

Nanatili namang suportado ang ina ni Cassy na si Carmina sa kaniyang mga kambal sa pagkakaroon nito ng relasyon gayunpaman.

“Siyempre dumaan ako sa ganun. SoI am trying my best to be understanding because pinagdaanan ko yun nung pagkabata ko,” saad ni Carmina sa isang panayam nitong Nobyembre.

“Like I said, I trust Cassy, I trustMavy. So, huwag langnila i-break yung trust ko.”

Basahin:Carmina Villaroel, tiwala kay Darren at Cassy: ‘Gusto kong ma-enjoy nila yung kanilang kabataan’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa hiwalay na panayam noong Setyembre, ito rin ang saloobin ng celebrity mom para sa 21-anyos na anak.

“I always tell my kids that I trust them. I really trust them na sana ‘wag lang talaga nilang sirain kasi pinagkakatiwalaan ko sila. At yun ang importante, gusto kong maging masaya silang mga bata,” aniya