Tatlong mangingisda ang nailigtas matapos mabangga ng isang pampasaherong barko sa Batangas City nitong Linggo ng hapon.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), aksidente umanong nabangga ng MV Stella Del Mar na ino-operate ng Starlite Shipping, ang isang bangka sa karagatang bahagi Matuto Point na mahigit 500 metro na lang ang layo mula sa dalampasigan dakong 2:00 ng hapon.

Sinabi ng PCG, galing ng Calapan Port sa Oriental Mindoro ang nasabing ro-ro (roll-on/roll-off) vessel at patungo na sana sa Batangas Port nang maganap ang insidente.

Naiulat na galing ng Isla Verde ang bangka at padaong na sana sa lugar nang tumbukin sila ng barko.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaagad namang nailigtas ang tatlong mangingisdang sakay ng bangkang nawasak na resulta ng insidente.

Iniimbestigahan pa ng PCG ang insidente.

Martin Sadongdong