Ang batikang aktres na si Lorna Tolentino ang latest na bumisita sa patuloy na nagpapagaling na si Manay Lolit Solis.

Ito ang ibinahagi ng talent manager sa kaniyang Instagram post, Sabado.

Pagbabahagi pa ni Manay, tuwang-tuwa rin umano ang kaniyang alagang si Lorna na ishare sa kaniya ang mga larawan ng kaniyang dalawang apo.

Kagaya ng ilang stars na bumisita sa nakaratay na showbiz icon, nagpaabot din ng tulong si Lorna kay Manay para sa aniya’y “medical program” niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Matatandaang nagpapatuloy pa rin ang kidney dialysis ng talent manager.

“Bongga ang mahal kong Lorna Tolentino na isa sa mga anak ko na talagang tiyak ko na hindi ako pababayaan pag nasa gipit ako,” mababasa sa IG post ni Manay.

Aniya pa, habang magiging abala ang batikang aktres sa paparating na movie, aminado itong na-miss na rin agad ang pag-arte sa isang teleserye.

Huling napanuod sa hit serye na “Ang Probinsiyano” si Lorna. Binigyang-buhay nito ang karakter ni “Lily.”