Sa pambihirang pagkakataon, ibinahagi ni Kapuso actress at fashion icon Heart Evangelista ang nakakaantig na usapan nila ng amang si Reynaldo Ongpauco sa gitna ng kaniyang abalang fashion career.

Sa kamakailang Instagram story ni Heart, ibinahagi nga nito ang usapan nila ng ama habang siya’y nasa Paris para sa ilan na namang fashion commitments.

Matapos magbahagi ng larawan ng kaniyang pagbili ng bulaklak sa tinaguriang fashion capital ng Western World, isang sweet gesture naman ang hatid ng ama kay Heart.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Heart Evangelista/IG story

Heart Evangelista/IG story

“Buy ka ng sapatos mo christmas gift ko saiyo bayaran ko nalan yon jacket at sapatos mo pagbalik mo,” mababasang paghihikayat sa text message ng ama.

“Okay be happy c u,” matamis na dagdag ni Rey sa anak.

Obvious namang naantig ang fashion icon na ibinahagi nga ang kanilang sapan sa kaniyang IG story.

Sinundan pa ito ng throwback na mga larawan kasama ang ama.

Hindi namang nakapagtataka na all-out pa rin ang support ni Rey kay Heart sa magarbo nitong fashion lifestyle.

Sa isang panayam kasi noong 2021, ibinunyag ni Heart na ang ama talaga ang orihinal na “shopaholic” sa kanilang pamilya.

Ang motto nga raw nito: “Life’s too short to be in ugly clothes!”

Tila nasa dugo at namana nga ng Kapuso fashion star ang pagkahilig sa fashion industry sa kaniyang ama.

Basahin: Bakit nga ba suki si Heart sa fashion week? Celebrity socialite, may simpleng sagot – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid