Matapos manalo sa fifth window ng FIBA World Cup qualifiers, umangat na sa world ranking ang Gilas Pilipinas.

Nasa rank number 40 na ngayon ang National team batay na rin sa pinakahuling FIBA men's basketball rankings.

Matatandaang dinispatsa ng Gilas ang Jordan, 74-66, bago ilampaso ang Saudi Arabia, 76-63, sa kanilang road games.

Nangunguna pa rin sa puwesto ang Spain, kasunod ang United States of America, Australia, Argentina, at France.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Dalawa pa ang sasagupain ng Gilas, kabilang ang Lebanon sa Pebrero 24, 2023 at Jordan sa Pebrero 27 para naman sa sixth window sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.