Kagaya ni Alex Gonzaga, nagsalita na rin ang celebrity doctor na si Vicki Belo kaugnay ng trending na balita sa umano’y pagdedma sa kanila ng fashion icon na si Heart Evangelista sa Milan Fashion Week noong Setyembre.

Sa isang Instagram story kamakailan, nilinaw na ng doktora na biruan lang nila ni Alex Gonzaga ang naturang chika sa isang YouTube vlog, bagay na sineryoso nga ng netizens at ilang news outfits.

Basahin: Umano’y pagdedma ni Heart kina Dra. Vicki, Alex G. sa Milan, ‘biruan lang’, sey ng vlogger – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

"So guys, I just want to set the record straight. It's not true that Heart snubbed Cathy, Alex and me. How could she snub us when she didn't even know we were there? And we never ever saw each other," anang doktora.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Kagaya ng naunang paliwanag ni Alex, biruan lang umano nilang dalawa ang pagdawit sa Kapuso actress na nauwi pa sa kontrobersyal na isyu.

"Kasi naman, if you watched the Vicki Belo vlog, you will see that Alex and I were just kidding and joking around and I was so thrilled because Alex mentioned Heart and me in one sentence. We all know what the fashion powerhouse that Heart is. Kaya naman you should watch my vlog para alam niyo ang truth,” ani Dra. Vicki.

Nanatili namang tikom sa isyu si Heart na tila dinedma na rin ang pinag-usapang isyu.

Kasalukuyang nasa Paris ang aktres para sa panibago na namang commitment sa kaniyang international fashion career.